ANNOUNCEMENT!

Due to time constraints, our Batch Core Group has decided to postpone our homecoming this year to 2013, our 40th. Please bear with us. Thanks, kabatch! :)

Please leave a message :)

Wednesday, February 25, 2009

Sikat Kabatch Bong Cruz!

Our Batch Valedictorian Roberto "Bong" Cruz once again brings honor to Batch '73 and Notre Dame of Dadiangas. He is featured in the January-February '09 issue of Entrepreneur Magazine.

Kudos Bong!!! We are really proud of you!!!

Buy your copies para mapa-autograph kay Bong sa 37th Reunion natin next year.

(Click on the following photos to enlarge them)

(Photos from Bong Cruz)

Sunday, February 22, 2009

Tagubilin at Habilin



Isinulat ni Jose “Pete” Lacaba

Binigkas ni Armida Siguion-Reyna

Musika ni Ryan Cayabyab

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.

Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.

Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.

Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.

Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.

Higit sa lahat, inuulit ko:

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.

Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.

Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.

Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
”Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.

Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Tagubilin at Habilin



Isinulat ni Jose “Pete” Lacaba

Binigkas ni Armida Siguion-Reyna

Musika ni Ryan Cayabyab

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.

Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.

Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.

Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.

Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.

Higit sa lahat, inuulit ko:

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.

Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.

Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.

Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
”Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.

Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Friday, February 13, 2009

Sing-along: Only Friends

(performed by The Lettermen)

Time, only time can erase the memory of our love
And all those dreams that won’t come true
Yesterday I walked the streets
Today I ran in disbelief
From the memory of losing you

Yesterday, when we were young
Our love was new and we had fun
Playing games and wond’ring what to do
Now yesterday is gone for me
And all I have are memories
Of loving and then somehow losing you

Sometimes I let my mind
Drift endlessly and in the wind your face I see
Smile gently as you turn the past
But the love that I once had for you
Is gone and so’s the meaning too
I guess it really never had a chance to last

And if in your mind someday
You see me running through your memory
Don’t be afraid to turn and look my way
coz I’ll be there for just a while
To catch the sunshine of your smile
To last me for another day…
And if someday some new love asks
About your loves, about your past
Please tell him you and I were only friends.

Wednesday, February 11, 2009

Meryenda Ta!

turon and banana cue
siyakoy
pilipit
pan de coco
ensaymada
nilung-ag nga mani
nilung-ag nga mais
Magnolia ube ice cream
flat tops
curly tops
bandi

Nostalgia Time!

Mga Kabatch, remember these products? Ang dili makahinumdum may Alzheimer's na. Hala ka! :D hehehe. Simba ko lang!
i

Friday, February 6, 2009

Lab Kwowts


(GYT's note: these love quotes are circulating in the internet/texts and are attributed to bestselling Pinoy author Bob Ong, however, these have caused online debates as to whether he really wrote them or not)

Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man may alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.

Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Sa mahal ka, di sa gusto ka.

Ang pag- ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.

Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ang pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo na talaga ang una.

Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao, lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili niya.

Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sa iyo at magkakatuluyan kayo, meron lang talagang taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

♥ Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

♥ Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.

♥ Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya...

♥ Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay sa temptasyon.

♥ Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.


♥ Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

♥ Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

♥ Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.


♥ Parang elevator lang iyan eh. Bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sa iyo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.


♥ Kung maghihintay ka nang lalandi sa iyo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.

♥ Pag may mahal ka at ayaw sa iyo, hayaan mo. Malay mo, sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.


Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

♥ Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.


♥ Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

♥ Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, huwag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Huwag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!