Kudos Bong!!! We are really proud of you!!!
Buy your copies para mapa-autograph kay Bong sa 37th Reunion natin next year.
(Click on the following photos to enlarge them)

The Official Blogsite of Notre Dame of Dadiangas Boys and Girls Departments High School Batch 1973
Isinulat ni Jose “Pete” Lacaba
Binigkas ni Armida Siguion-Reyna
Musika ni Ryan Cayabyab
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
”Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

(performed by The Lettermen)
Time, only time can erase the memory of our love
And all those dreams that won’t come true
Yesterday I walked the streets
Today I ran in disbelief
From the memory of losing you
Yesterday, when we were young
Our love was new and we had fun
Playing games and wond’ring what to do
Now yesterday is gone for me
And all I have are memories
Of loving and then somehow losing you
Sometimes I let my mind
Drift endlessly and in the wind your face I see
Smile gently as you turn the past
But the love that I once had for you
Is gone and so’s the meaning too
I guess it really never had a chance to last
And if in your mind someday
You see me running through your memory
Don’t be afraid to turn and look my way
coz I’ll be there for just a while
To catch the sunshine of your smile
To last me for another day…
And if someday some new love asks
About your loves, about your past
Please tell him you and I were only friends.
♥ Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man may alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.
♥ Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Sa mahal ka, di sa gusto ka.
♥ Ang pag- ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.
♥ Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
♥ Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
♥ Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ang pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo na talaga ang una.
♥ Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao, lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili niya.
♥ Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sa iyo at magkakatuluyan kayo, meron lang talagang taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.♥ Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.
♥ Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
♥ Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya...